Ang Aking Impresyon sa Digmaan sa Gitnang
Silangan
Krisis sa Gitnang Silangan:
Masakit na Makita ang mga naninirahan sa Gitnang Silangan ay may
hidwaan at mga bagay na hindi napagkakasunduan. Bumulaga sa buong mundo ang mga
kaganapan sa Middle East. Pumutok ang mga popular na pag-aalsang nagpatalsik sa
ilang mga namumuno. Tila apoy na kumalat ang mga pagkilos na ito sa mga karatig
bansa sa Gitnang Silangan. Hanggang ngayon patuloy pa rin ang mga batikos at
protesta.
Habang nag-uusap ng
kapayapaan ang mga imperyalistang kapangyarihan o kaya nagdeklara ng kapayapaan
ang naglalabanang mga armadong grupo ng ibat-ibang paksyon ng naghaharing uri
ay hindi nila maitago ang lumalalang kaguluhan sa mundo bunga ng naaagnas na
dekadente Ang pinakahuling pruweba nito ay ang kasalukuyang kaganapan sa bansa
na “pinalaya” ng imperyalistang Amerika at mga kaalyado nito mula sa kuko ng
isang diktador ng kapitalismo.
Makikita sa taas ang
larawan ng gulong nangyayari sa Gitnang Silangan
· --Mahirap na manuod na lamang sa mga kaganapan na ito.
Nakatayo sa isang puwesto na sinusubaybayan ang mga nangyayari.
· --Gayun pa man, dapat sa pagkakataong ito lahat tayo
ay magkaisa at magtulungan.
· -- Huwag na lamang tumunganga.
· --
-Nagliliyab
na Gitnang Silangan at umiinit na antagonismo sa Silangang Asya; ang buong
mundo ay sadlak sa mga digmaan na kagagawan ng inter-imperyalistang bangayan at
desperasyon para isalba ang bulok na pandaigdigang kaayusan.
Nagliliyab
na Gitnang Silangan at umiinit na antagonism. Ang buong mundo ay sadlak sa mga
digmaan na kagagawan ng inter-imperyalistang bangayan at desperasyon para
isalba ang bulok na pandaigdigang kaayusan.
Hindi na
makontrol at hindi na mahulaan ng mismong mga “eksperto” at tapat na
tagapagtanggol ng kapitalismo ano ang hinaharap ng sistema. Sa bawat solusyon
na ipapataw ng naghaharing uri ay nagmistulang gasolina ito na mas lalupang
nagpapaliyab sa nag-aapoy na mga kontradiksyon ng dekadenteng kapitalismo.
Tunay ngang
naaagnas na ang pandaigdigang Sistema kung saan ang tangi at epektong solusyon
ay internasyunal na komunistang rebolusyon. Kung hindi, tiyak na mawawasak ang
mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento